Wednesday, March 29, 2006

Ang Kahalagahan ng Salita ng DIOS

Sa ating mga pagkakatipon mga kapatid, kapag pinag uusapan natin ay nauukol sa salita, ang sumasaisip natin ay ang salitang isinugo ng DIOS dito sa lupa na iyon nga ay ang Kaniyang Salita, ang Salitang iyon na Kaniyang isinugo mga kapatid ay ang Kaniyang karunungan at kapangyarihan na siya nga ang Cristo ang PANGINOON, Ang tagapagligtas.

Sa ating mga pakikinig ng Salitang ito ng DIOS, ating pag-aaralan kung ito ay natanggap natin o hindi.

Ano ba o gaano ba ang kahalagahan ng pagtanggap ng salita ng DIOS?


JUAN 5:24

Joh 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.



Ngayon mga kapatid kung nasa atin na ang Salita ng DIOS, Ano ang sinasabi ng DIOS, sa mga taong nagsitanggap nito?


MATEO 12:36-37

Mat 12:36-37 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. 37 Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.



Papaano ka ba magiging banal sa pamamagitan ng Salita?


LUCAS 11:28

Luk 11:28 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.


Bakit sinabing lalong mapalad ang nakikinig at gumaganap ng Salita ng DIOS?


MATEO 13:31

Mat 13:31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

LUCAS 21:33

Luk 21:33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.



Kung ikahiya mo naman ang Kanyang Salita, Ano ang iyong maasahan sa kaniyang pagbabalik?


MARCOS 8:38

Mar 8:38 Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.


Ano ba ang tagubilin ng PANGINOON sa mga nangangaral ng Kaniyang Salita?

MATEO 10:14

Mat 10:14 At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.



Ang bawat salita na salitain ng tao ay may kanikaniyang landas na nahantungan, ano ito? Galit o Katuwaan, Kaligayahan o Kalungkutan, Kapahamakan o Kaligtasan, Buhay o Kamatayan, at ito ay alam na nating lahat,

Ngayon: Papaano nakikita ang kapangyarihan ng Salita?


GENESIS 41:40

Gen 41:40 Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo.


Ito lamang ba ang ipinakikitang kapangyarihan ng Salita?


MATEO 8:8

Mat 8:8 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.



MATEO 8:16

Mat 8:16 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit:



Bukod dito ano ang nagagawa ng Salita ng DIOS?


JOB 4:4

Job 4:4 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.



Kaya dapat na bigyan natin ng dakilang pagpapahalaga sa ating buhay ang Salita ng PANGINOON; sapagkat hindi lamang nagpapagaling, hindi lamang nagpapalakas, hindi lamang nagliligtas, sapagkat nagbibigay pa ito ng buhay na walang hanggan. Kaya hindi sa lahat ng tao ay maaari nating salitain ang mga Salita ng DIOS.

Kanino ayaw ipasalita ng DIOS ang Kaniyang Salita?


MGA KAWIKAAN 23:9

Pro 23:9 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.



Ano bang uri ng tao ang mangmang? ang sinasabing ito ng aklat ng kawikaan na humahamak ng karunungan ng Salita?

MATEO 12:32

Mat 12:32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.


Ano bang gawain ito na laban sa Espiritu Santo na hindi patatawarin ng DIOS?

LUCAS 12:10

Luk 12:10 Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.



Ano bang Gawain itong pamumusong at ano ang mga sinasabi nitong mga namumusong?

JUAN 10:32-33

Joh 10:32-33 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? 33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.


Ano ang Ibig sabihin ng pamumusong? Mga mapagpanggap, hindi naman ikaw ay sasabihin mong ikaw; Mamusong ka na sa tao ay may pagkakataon kapang mapatawad; magkunwari kang pulis, datapuwat hindi ka naman pulis, parurusahan ka, datapuwat may takdang araw ang katapusan ng iyong parusa.

Datapuwa't ang sabihin mong ikaw ang kapalit ng DIOS sa lupa, ikaw ang Sugo ng DIOS dito sa lupa, ikaw ang mabuti at matalinong pastor, sa halip na patawag kang brother o kapatid ay nagpapatawag ka ng Father, iyan ang maliwanag na paglapastangan sa Espiritu; pamumusong sa Espiritu.

Sa madaling salita ay itinatakwil niya, ang pagsusugo ng DIOS sa kaniyang salita , na ang Salita ng DIOS na ito na kaniyang isinugo ay hindi mawawala na siyang mapasasa mga lingkod ng DIOS hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Ang pamumusong na ito ang paglapastangang ito. Ang pagtatakwil na ito sa Espiritung ito ng DIOS na Kaniyang Salita ang kasalanang walang kapatawaran na sinasabi sa JUAN 12:48


JUAN 12:48

Joh 12:48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.



JUAN 14:23

Joh 14:23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.




JUAN 14:24

Joh 14:24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.


Ang Salita ring ito ang bumabanal sa atin mga kapatid, siya rin ang naglilinis sa atin,

Ang sabi ng Panginoon sa...


JUAN 15:3

Joh 15:3 Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.



JUAN 17:17

Joh 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.



Mga kapatid ang Salitang ito at ipinangaral at isinulat ng mga propeta, apostol, at mga evangelista at ito ay hinulaan ng haring David sa kaniyang mga awit na sinasabi


MGA AWIT 19:4

Psa 19:4 Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,


Sa mga nagmamahal at nag iingat ng Salita ng DIOS, sa mga nagsitupad ng Salita ng DIOS sa kanila ibibigay ng DIOS ang langit na tabernakulo ng araw, sa kanila lamang magbibigay ng liwanag ang araw, kung nasaan naroroon ang mga gumanap ng Kaniyang Salita ay naroon din naman ang tabernakulo ng araw at liwanag ng ating DIOS.

AMEN


Sunday, March 19, 2006

Ang AMA, ANG ANAK, ANG ESPIRITU SANTO

ANG AMA, ANG ANAK ; ANG ESPIRITU SANTO


Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:



REFERENCES:


JUAN 14:16

Joh 14:16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,



JUAN 14:17

Joh 14:17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.



JUAN 14:26

Joh 14:26 Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.


JUAN 15:26

Joh 15:26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:



JUAN 16:13

Joh 16:13 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.



Samakatuwid ang Espiritu Santo ay ang Espiritu ng Katotohanan kaya ang Espiritu Santo ay ang Katotohanan;

Ngayon; Ano ang Katotohanan?



JUAN 17:17

Joh 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.



Maliwanag na ang katotohanan ay ang Salita ng DIOS, na ito ang Espirito ng katotohanan , at ang katotohanan ay banal, kaya ang Espiritu Santo ay ang Salita ng DIOS.

Ang Salita ng DIOS ay katotohanan, Ang salitang ito ng katotohanan na siyang Salita ng DIOS ay ang Espiritu Santo at ito ang sinasabi sa:

MGA AWIT 107:20

Psa 107:20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.




MGA AWIT 147:15

Psa 147:15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.



Ang Salita ng katotohanan na ito na Siyang Salita ng DIOS na Siyang Espiritu Santo, ang Espiritung bumaba mula sa langit at dumapo sa ating PANGINOONG JESUCRISTO na tulad sa isang kalapati at tinawag ng AMA na "Anak" na sinasabi, ito ang sinisinta kong anak na siya kong lubos na kinalulugdan.

Ang tinawag ng DIOS na Kaniyang anak ay ang Espiritung lumapag sa ating PANGINOONG JESUCRISTO matapos na siya'y mabautismuhan ni Juan Bautista na ang Espiritung ito ay ang Salita ng Katotohanan na Salita ng DIOS na siyang ESPIRITU SANTO; Ito ang tinawag nang DIOS na Kaniyang Anak, ang Kaniyang Salita, at hindi ang katawang binautismuhan ni Juan Bautista.

Kung hindi ang katawang binautismuhan ni Juan Bautista ang tinawag na anak ng DIOS kundi ang Espiritu Santo na siyang Salita ng Katotohanan na siyang Salita ng DIOS, ay ano ang tawag sa katawang Binautismuhan ni Juan Bautista?

Ang katawang Inihanda ng DIOS,


JUAN 1:29

Joh 1:29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!



Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! Kaya't sinabi sa


JUAN 12:45

Joh 12:45 At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.


JUAN 14:9

Joh 14:9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?



COLOSAS 1:15

Col 1:15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;



Ano Ba ang Ibig sabihin ng Kordero?

Katawan ng Lalaking walang Kapintasan.

Hindi tupa ang Ibig sabihin ng Kordero sa EXODO 12:5 : ito ay tupa o kambing


Ang sabi sa EXODO 12:5

Exo 12:5 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:



At sa 2CRONICA 35:7

2Ch 35:7 At si Josias ay nagbigay sa mga anak ng bayan, buhat sa kawan, ng mga kordero at ng mga anak ng kambing, lahat ng yaon ay mga pinakahandog sa paskua, sa lahat na nakaharap, sa bilang na tatlong pung libo, at tatlong libo na baka: ang mga ito'y mga pag-aari ng hari.



2CRONICA 35:9

2Ch 35:9 Si Chonanias naman, at si Semeias, at si Nathanael, na kaniyang mga kapatid, at si Hasabias at si Jehiel at si Josabad, na mga pinuno ng mga Levita, nangagbigay sa mga Levita ng mga pinakahandog sa paskua, na limang libong tupa at kambing , at limang daang baka.


Kaya nga ito o ang PANGINOON ay lumapit kay Juan Bautista sa ilog ng Jordan, ay nakilala siya ni Juan na sinabi: Narito ang Kordero ng DIOS, na nag aalis ng kasalanan ng sanglibutan.

Ibig sabihin ni Juan Bautista...

Narito ang katawan ng DIOS na kaniyang inihanda para sa Kaniyang sinugong Salita dito sa lupa na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan: Kaya nga sinabi Niya na:

"Ang nakakakita sa akin ay nakakita sa AMA."

At sinabi naman ni Apostol Pablo na "Siya ang larawan ng DIOS na di nakikita"

At ito mga kapatid ang tunay na katotohanan...

Ang AMA , Ang may ari ng lahat ng mga bagay, Ang pangalan ay DIOS


AMOS 4:13

Amo 4:13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa, ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.


AMOS 5:27

Amo 5:27 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y Dios ng mga hukbo.



Iyan ang AMA; na ang Pangalan ay DIOS.

At ang Kaniyang Anak ay ang Salitang Kaniyang isinugo dito sa lupa: Ito ay ang CRISTO, Ang Karunungan at Kapangyarihan ng DIOS

LUCAS 2:11

Luk 2:11 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.



1CORINTO 1:24

1Co 1:24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.



ISAIAS 42:8

Isa 42:8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.



Ito ang Anak ng DIOS: Ang Kaniyang Salita na isinugo sa lupa; Ang Kanyang Karunungan at Kapangyarihan na lumikha sa atin at ng lahat ng bagay.

Ang Salitang ito ay ang Salita ng katotohanan na nagpapabanal sa tao, Ang mang-aaliw na isinugo ng PANGINOON sa mga apostol at mga Cristiano sa Pangalan ng AMA ng Siya ay nasa langit na. Ito ang ESPIRITU SANTO.

Ang Salita ng Katotohanan na Siyang dumapo at bumaba sa ating PANGINOONG JesuCristo ng Siya ay umahon sa tubig matapos Siyang mabautismuhan. At ang Salita ng Katotohanang ito ang anak ng DIOS na hindi kinasumpungan ng kasinungalingan kailan man na siyang mang aaliw na Espiritu. Kaya kung liliwanagin ay ganito:

Ang AMA: Ang DIOS: Ang May Ari ng lahat

Ang ANAK: Ang PANGINOON: Ang salita: Manglilikha

Ang ESPIRITU SANTO : Ang katotohanan: (Salita ng Katotohanan)

Ang Katawang inihanda ng DIOS: Ang Kordero ng DIOS Ang larawan ng DIOS na di nakikita ang katawang Kaniyang inihanda upang tubusin ng sarili Niyang dugo ang IGLESIA NG DIOS.


MGA GAWA 20:28

Act 20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.




Ngayon mga kapatid hindi lamang tatlo ang ating liliwanagin kundi apat: Ano ano ito?


AMA… ANAK… ESPIRITU SANTO… ANG KORDERO


Alam na natin na ang...

(1) AMA : Ang Pangalan ay DIOS Siya ang may ari ng lahat ng bagay

(2) ANAK: Ang Salita ng DIOS ang PANGINOON. Ang Cristo ng DIOS, Ang Karunungan at Kapangyarihan ng DIOS, Ang manlilikha at lumikha ng lahat ng bagay.

(3) ESPIRITU SANTO: Ang Katotohanan JUAN 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

(4) KORDERO NG DIOS : (Katawan ng DIOS) COLOSAS 1:15 Na Siya ang larawan ng DIOS na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

Pinangtubos Niya ng sarili Niyang Iglesia: Ang Iglesia ng DIOS

APOCALIPSIS 17:14

Rev 17:14 Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din .



APOCALIPSIS 19:13

Rev 19:13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.



JUAN 13:13

Joh 13:13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.



COLOSAS 2:9

Col 2:9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,


AMEN