Wednesday, March 29, 2006

Ang Kahalagahan ng Salita ng DIOS

Sa ating mga pagkakatipon mga kapatid, kapag pinag uusapan natin ay nauukol sa salita, ang sumasaisip natin ay ang salitang isinugo ng DIOS dito sa lupa na iyon nga ay ang Kaniyang Salita, ang Salitang iyon na Kaniyang isinugo mga kapatid ay ang Kaniyang karunungan at kapangyarihan na siya nga ang Cristo ang PANGINOON, Ang tagapagligtas.

Sa ating mga pakikinig ng Salitang ito ng DIOS, ating pag-aaralan kung ito ay natanggap natin o hindi.

Ano ba o gaano ba ang kahalagahan ng pagtanggap ng salita ng DIOS?


JUAN 5:24

Joh 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.



Ngayon mga kapatid kung nasa atin na ang Salita ng DIOS, Ano ang sinasabi ng DIOS, sa mga taong nagsitanggap nito?


MATEO 12:36-37

Mat 12:36-37 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. 37 Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.



Papaano ka ba magiging banal sa pamamagitan ng Salita?


LUCAS 11:28

Luk 11:28 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.


Bakit sinabing lalong mapalad ang nakikinig at gumaganap ng Salita ng DIOS?


MATEO 13:31

Mat 13:31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

LUCAS 21:33

Luk 21:33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.



Kung ikahiya mo naman ang Kanyang Salita, Ano ang iyong maasahan sa kaniyang pagbabalik?


MARCOS 8:38

Mar 8:38 Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.


Ano ba ang tagubilin ng PANGINOON sa mga nangangaral ng Kaniyang Salita?

MATEO 10:14

Mat 10:14 At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.



Ang bawat salita na salitain ng tao ay may kanikaniyang landas na nahantungan, ano ito? Galit o Katuwaan, Kaligayahan o Kalungkutan, Kapahamakan o Kaligtasan, Buhay o Kamatayan, at ito ay alam na nating lahat,

Ngayon: Papaano nakikita ang kapangyarihan ng Salita?


GENESIS 41:40

Gen 41:40 Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo.


Ito lamang ba ang ipinakikitang kapangyarihan ng Salita?


MATEO 8:8

Mat 8:8 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.



MATEO 8:16

Mat 8:16 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit:



Bukod dito ano ang nagagawa ng Salita ng DIOS?


JOB 4:4

Job 4:4 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.



Kaya dapat na bigyan natin ng dakilang pagpapahalaga sa ating buhay ang Salita ng PANGINOON; sapagkat hindi lamang nagpapagaling, hindi lamang nagpapalakas, hindi lamang nagliligtas, sapagkat nagbibigay pa ito ng buhay na walang hanggan. Kaya hindi sa lahat ng tao ay maaari nating salitain ang mga Salita ng DIOS.

Kanino ayaw ipasalita ng DIOS ang Kaniyang Salita?


MGA KAWIKAAN 23:9

Pro 23:9 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.



Ano bang uri ng tao ang mangmang? ang sinasabing ito ng aklat ng kawikaan na humahamak ng karunungan ng Salita?

MATEO 12:32

Mat 12:32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.


Ano bang gawain ito na laban sa Espiritu Santo na hindi patatawarin ng DIOS?

LUCAS 12:10

Luk 12:10 Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.



Ano bang Gawain itong pamumusong at ano ang mga sinasabi nitong mga namumusong?

JUAN 10:32-33

Joh 10:32-33 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? 33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.


Ano ang Ibig sabihin ng pamumusong? Mga mapagpanggap, hindi naman ikaw ay sasabihin mong ikaw; Mamusong ka na sa tao ay may pagkakataon kapang mapatawad; magkunwari kang pulis, datapuwat hindi ka naman pulis, parurusahan ka, datapuwat may takdang araw ang katapusan ng iyong parusa.

Datapuwa't ang sabihin mong ikaw ang kapalit ng DIOS sa lupa, ikaw ang Sugo ng DIOS dito sa lupa, ikaw ang mabuti at matalinong pastor, sa halip na patawag kang brother o kapatid ay nagpapatawag ka ng Father, iyan ang maliwanag na paglapastangan sa Espiritu; pamumusong sa Espiritu.

Sa madaling salita ay itinatakwil niya, ang pagsusugo ng DIOS sa kaniyang salita , na ang Salita ng DIOS na ito na kaniyang isinugo ay hindi mawawala na siyang mapasasa mga lingkod ng DIOS hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Ang pamumusong na ito ang paglapastangang ito. Ang pagtatakwil na ito sa Espiritung ito ng DIOS na Kaniyang Salita ang kasalanang walang kapatawaran na sinasabi sa JUAN 12:48


JUAN 12:48

Joh 12:48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.



JUAN 14:23

Joh 14:23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.




JUAN 14:24

Joh 14:24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.


Ang Salita ring ito ang bumabanal sa atin mga kapatid, siya rin ang naglilinis sa atin,

Ang sabi ng Panginoon sa...


JUAN 15:3

Joh 15:3 Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.



JUAN 17:17

Joh 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.



Mga kapatid ang Salitang ito at ipinangaral at isinulat ng mga propeta, apostol, at mga evangelista at ito ay hinulaan ng haring David sa kaniyang mga awit na sinasabi


MGA AWIT 19:4

Psa 19:4 Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,


Sa mga nagmamahal at nag iingat ng Salita ng DIOS, sa mga nagsitupad ng Salita ng DIOS sa kanila ibibigay ng DIOS ang langit na tabernakulo ng araw, sa kanila lamang magbibigay ng liwanag ang araw, kung nasaan naroroon ang mga gumanap ng Kaniyang Salita ay naroon din naman ang tabernakulo ng araw at liwanag ng ating DIOS.

AMEN