Sino ang Kaniyang ililigtas?
Ang lahat ng yaong sasampalataya sa Kaniya.
Ano ang sasampalatayanan sa Kaniya?
Ang Katotohanan.
Ano ang katotohanan?
Na ang mga taong makasalanan ay patungo sa kamatayang walang hanggan na siyang ikalawang kamatayan: Ang impierno ang dagat-dagatang apoy.
Dahil dito kaya Niya isinugo ang Kaniyang Salita sa lupa upang magligtas:
Paano Siya magliligtas?
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng Kaniyang Iglesia na tatawagin sa Kaniyang pangalan.
Papaano mangyayari ang mga bagay na ito, nagtayo ba ang DIOS ng Kaniyang Iglesia?
Papaano maliligtas ang tao dahil dito?
ANG KALIGTASAN NG TAO
MATEO 16:18
Mat 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Ang pinakamaraming dinaminasyon ay ang Cristianismo, may nagsasabing tanggapin mo lamang na personal mong tagapagligtas si CRISTO ay ligtas ka na at hindi mo na kailangan pa ng religion, kundi ng relasyon lamang sa DIOS ang iyong kailangan.
Ang mga bagay na ito ay haka-haka lamang ng ibang mga mangangaral, sapagkat wala namang mababasa sa Biblia na si JESUS ay maaari mong gawing sarili o personal mong tagapagligtas.
Mat 1:21 At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Hindi Siya personal na tagapagligtas lamang. Siya'y tagapagligtas ng Kaniyang Bayan,
Ngayon! Sino ba ang Kaniyang Bayan?
DANIEL 9:18-19
Dan 9:18-19 Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan. 19 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.
Samakatuwid ang Bayan at taong Kaniyang ililigtas ay yaong tinatawag sa Kaniyang pangalan;
NGAYON;
Ang Kaniya lamang bang Bayan at tao ang tinatawag sa Kaniyang pangalan?
JEREMIAS 34:15
Jer 34:15 At ngayo'y nanumbalik kayo, at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa't tao sa kaniyang kapuwa; at kayo'y nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan:
Sino ang ililigtas ng PANGINOON?
BAYAN . . . . . . . na tinatawag sa Kaniyang pangalan
TAO . . . . . . . na tinatawag sa Kaniyang pangalan na
nakikipagtipan sa bahay na tinatawag sa Kaniyang
pangalan.
Bakit sa bahay na tinatawag sa Kaniyang pangalan dapat makipagtipan ang Kaniyang Bayan?
EZRA 7:23
Ezr 7:23 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?
2Ch 7:16 Sapagka't ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito, upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi.
Ano ba ang bahay na ito ng DIOS? Saan ba ito nakatayo? Saan ba ito matatagpuan upang magawa roon ang lahat Niyang ipinaguutos?
1TIMOTEO 3:15
1Ti 3:15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
1Co 15:9 Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
Gal 1:13 Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
Act 20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
1Co 1:1-2 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, 2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon :
2Co 1:1 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.
1Th 2:14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;
Alam ba ninyo mga kapatid kung ano ang ipinagmamalaki ng mga Apostol sa kanilang sarili?
2TESALONICA 1:4
2Th 1:4 Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
Kung ikaw naman ay nagnanais na mamahala sa iyong mga kapatid, ano ang dapat na makita sa iyo ng mga kapatid?
1TIMOTEO 3:5
1Ti 3:5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)
NGAYON;
Papaano ba ang pagpasok sa Bahay ng DIOS na siyang Iglesia ng DIOS?
Ano ba ang sinasabi ng ating PANGINOON tungkol dito?
MATEO 28:19-20
Mat 28:19-20 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: 20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Joh 3:3-8 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. 4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak? 5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. 6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga . 7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli. 8 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.
Kung ikaw ay nabautismuhan na sa pangalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO; Saan ka ba naipanganak na muli?
1PEDRO 1:23
1Pe 1:23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.
Exo 3:13-15 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila? 14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. 15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Ang pangalang ipinakilala ng DIOS kay Propeta Moises ay:
"AKO NGA" : "PANGINOON" : at " DIOS"
Sa mga talata ng JEREMIAS
Sa mga talata ng AMOS
- 4:13 Ang PANGINOON; Ang DIOS ng mga hukbo ay siya Niyang pangalan.
- 5:8 PANGINOON
- 5:27 DIOS ng mga hukbo
- 9:6 PANGINOON
At sa mga talata sa APOCALIPSIS
- 9:13 Ang Kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Salita ng DIOS
- 19:16 Hari ng mga hari, PANGINOON ng mga panginoon.
Ang pangalan ng AMA ay DIOS:
Joh 14:16-17 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, 17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Joh 14:26 Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
At sa JUAN 15:26
Joh 15:26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
At sa JUAN 16:13
Joh 16:13 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
Ang ESPIRITU SANTO ang Espiritu ng Katotohanan kaya ang ibig sabihin ng ESPIRITU SANTO ay Katotohanan.
Tanong?
Ano ang Katotohanang ito na Siyang ESPIRITU SANTO?
JUAN 17:17
Joh 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
Ang ESPIRITU SANTO ay ang KATOTOHANAN.
AMEN