Saturday, May 20, 2006

Ang antas ng pananampalataya

Ang ating buhay dito sa sanlibutan ay isang pag-aaral na walang katapusan. Ito ay nagsisimula sa paghahanda ng pagunawa, at kung maibigay na sa iyo ng DIOS ang pagka-unawa, iyon na ang pasimula ng pag-aaral ng katotohanan, kaalaman, at ng karunungan.

Sa pag aaral na ito ng karunungan ay may antas ng kaalaman batay sa kakayahan ng pang-unawa at sa pagka-unawa ay ang antas ng pananagutan.

Kung ang antas ng iyong kaalaman ay siya ring antas ng iyong pananagutan, gayun din naman sa pagsusulit,


  • Primary kung Primary
  • Intermediate kung Intermediate
  • High school kung High school
  • College kung College


Kung malampasan mo ang mga ito at magkakaroon ka ng diploma, ay susulitin ka naman ng gobyerno at kung makapasa ka, ay pahihintulutan kang gamitin ang natutuhan mong kaalaman.

Ganyan din mga kapatid ang kalagayan natin sa paglilingkod sa DIOS. Tinuturuan Niya tayo ng karunungang pang-langit at diyan Niya tayo susulitin mga kapatid, kung tayo ay makapasa ay makakasama Niya tayo sa Kanyang kaharian.

Kung hindi mga kapatid, ay alam na natin ang ating kalalagyan. Kaya nararapat lamang mga kapatid na ang ating kaalaman ay hindi mapapangatuwiranan ng sinoman.

Ano ba ang sinasabi ng PANGINOON sa bagay na ito?



Mat 5:20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.


Mga Kapatid ang Salitang ito ay mula sa ating PANGINOONG CRISTO-JESUS:

Sino ang mga dapat nating daigin sa pangangatwiran?

Mga escriba at Pariseo, sila'y mga tagapag turo at mga tagapag-ingat ng kautusan.


Papaano ba natin makakatagpo ang mga ito? Sila ngayon ay nagsisipaglakad, nangagmimisyon sa bahay bahay, may mga programa sa radio at mga television.

Papaano ba natin sila makikilala mga kapatid?


  • ANG MGA SABADISTA: Iniisip nila na ang araw ng sabado ang araw ng sabbath; ang sabado ay saturday, ika-6 na araw ng paggawa, ang araw ng ating pamamahinga ay araw ng linggo, at ang araw naman ng sabbath o pamamahinga sa gitnang silangan ay araw ng biyernes.


Alam natin ang utos ng DIOS sa paggawa;


Anim na araw kang gagawa at ang ika-pitong araw ay araw ng pamamahinga o araw ng sabbath.

Hindi lang ang mga iyan mga kapatid, napakarami pa ang nag-iingat at nagtuturo ng maling doktrina at kautusan, ang mga iyan ang dapat nating daigin sa mga pangangatwiran mga kapatid.

Mga kapatid, ang paglilingkod sa DIOS ay nagdudulot ng buhay na walang hanggan kung ito ay ating pagsisikapang magawa na may pagtitiyaga at pagtitiis.

Ang buhay natin dito sa sanlibutan ay hindi lamang para sa kasaganaan ng buhay dito sa lupa; mali ang ating pagsisikap at pagpapakahirap ng katawan kung ang ating pinaglalaanan ay ang layaw at kasiyahan ng mga pita ng laman.



Mat 7:13-14 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. 14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.


Ang mga Salitang ito ng PANGINOON mga kapatid ay nagpapahayag lamang ng tamang doktrina o tamang daang pinalalakaran ng DIOS sa mga naglilingkod upang maging karapatdapat sa pagmamana ng kaniyang kaharian.

Ang paglilingkod sa DIOS ay hindi sa kaginhawahan sa buhay na ito; hindi sa kataasan ng pagkatao o sa karangalang panglipunan kundi sa kapakumbabaan at pagtiis, hindi sa pag-ibig sa sarili kundi ng pag-ibig sa kapuwa.

Ang sabi ng PANGINOON sa JUAN 12:25-26


Joh 12:25-26 Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan. 26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.


Ano ba ang Ibig sabihin ng PANGINOON sa "ang umiibig sa kaniyang buhay"?


He said I will go around the world, stay in 5 star hotel and drink, eat my favorite food and sing all my favorite song. Maglibang sa mga night spot and dance with beautiful girls and that's life.,

At iyan mga kapatid ang umiibig sa kaniyang buhay at ang mawawala sa kaniya ay buhay na walang hanggan.

Datapuwat kung kinapopootan niya ang mga bagay na ito at ang hilig niya ay pananalangin sa DIOS, umawit ng mga pagpupuri sa DIOS ay maiingatan niya ang kaniyang buhay at magkakamit siya ng buhay na walang hanggan.

At kung tunay na kinapupuotan mo ang makasanlibutang pagnanasa, at ang kaluguran mo ay ang makalangit na gawain.

Ang sabi ng PANGINOON sa JUAN 12:26


Joh 12:26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.


Saan naroon ang DIOS upang ating sundan?


Siya ay nasa kabanalan mga kapatid, Siya ay nasa kapakumbabaan, Siya ay nasa pag-ibig. Kaya kung tayo ay naglilingkod sa DIOS, kinakailangang makita tayo sa kabanalan, makita tayo sa kapakumbabaan, makita tayo sa Pag-ibig, maging maingat sa pagsasalita, sapagkat ang Salita ng DIOS ay banal.

Kaya ang sabi ng PANGINOON sa MATEO 12:36-37


Joh 12:36-37 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila. 37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:


Paala-ala mga kapatid, hindi lamang ang ating bibig ang nagsasalita upang hatulan, There's a saying , action speaks louder than words.

Ano at Sino ba ang hahatol sa huling araw?



Joh 12:48-50 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw. 49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. 50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.


Kaya ang sinabi ng balitang ito ng DIOS na Siyang Cristo at PANGINOON sa...


Mat 16:24 Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.


Paano ba natin tatanggihan ang ating sarili?


Anomang bagay na nais natin gawin na tumatanggi sa kabanalan, anomang bagay na nais nating gawin na tumatanggi sa kapakumbabaang loob, Anomang bagay na ating nais gawin na tumatanggi sa ating pag-ibig sa kapuwa at pagbibigay ng awa.

Anomang bagay na ating nais gawin na tumatanggi sa ating pagdalo sa pagsamba at mga pagkakatipon. Anomang bagay na ating nais gawin na tumatanggi sa pagtulong sa kapuwa at pagtulong sa gawain ng IGLESIA NG DIOS.

Kung sinusunod natin ang mga bagay na iyan, ay tinatanggihan natin ang paggawa ng kabanalan. Datapuwa't kung tinatanggihan natin ang mga bagay na iyan at ginagawa natin ang kabanalan, kapakumbabaang loob, Pag-Ibig sa kapwa, pagbibigay ng awa, pagdalo sa pagsamba, pagtulong sa kapwa at gawain ng Iglesia, ay natatanggihan natin ang ating sarili at napapasan natin ang krus na ipinapapasan ng ating PANGINOON .

At kung tayo ay lumalakad na sa landas na pinalalakaran ng PANGINOON, ay ganito ang Kaniyang sinasabi.


Mat 10:28-31 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno. 29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama: 30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat . 31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.


Magtumibay tayo mga kapatid, taasan natin ang antas ng ating pananampalataya , at antas ng kaalaman ng katotohanan, sapagkat iyan ang sa ati'y nagpapabanal:

Ang sabi ng ating PANGINOON

"Pakabanalin mo sila sa KATOTOHANAN ang salita mo'y KATOTOHANAN"


AMEN