Mga Kapatid, Ang pagbibigay halaga sa lahat ng mga bagay sa ating paligid at sa ating buhay ay may kanikaniyang pagpapahalaga, sapagkat sa isang bagay lamang na nasa ating kamay ay may ibat ibang pagpapahalaga ang bawat tao.
Maaring ito ay mahalaga sa atin ngunit sa iba ay walang kabuluhan, ang dahilan ng mga bagay na ito ay ang pagkakilala sa katotohanan, sapagkat hindi ang lahat ay nakakikilala at nakaaalam ng katotohanan, subukan ninyong magtanong sa ibang tao kung ano ang katotohanan, tiyak na sasabihin sa inyo, anong katotohanan ang sinasabi mo?
Maaaring isipin pa ng iyong pinagtanungan na nawawala ka sa iyong sarili, Ang katotohanan mga kapatid ay katulad rin ng kapayapaan.
Bakit ba kapag bumabati tayo ng kapayapaan ay isinasagot sa atin ng mga kapatid ay , "PURIHIN ANG PANGINOON"?
Bakit?
Sapagkat sa DIOS nanggagaling ang kapayapaan , Siya ang nagbibigay nito at Siya rin ang nag-aalis, sapagkat ang kapayapaan ay sa Kaniya.
Tunay ba ang mga ito?
Psa 147:14 Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
Psa 28:3 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
Psa 35:20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
Mga Kapatid, maaring masabi natin na napakarami naman ng matatalinong tao at nakakalikha ng maraming bagay na kamanghamangha, bakal napapalutang sa dagat, metal napapalipad sa himpapawid, taong nasa ibang bansa nakakausap mo na para mo nang katabi, Ngayon nga ay nagkikita pa kayo at nagkakausap na para kayong magkasama bagamat kapuwa kayo nasa ibang bansa.
Pero bakit ganon mga kapatid, hindi makagawa ang tao ng tunay na kapayapaan?,
Sa katotohanan mga kapatid ay ibayo ang kalayuan ng puso at isip ng mga tao ng DIOS kaysa sa tao ng sanglibutan, Bakit?
Sapagkat nalalaman ng mga tao ng DIOS na ang kapayapaan ay DIOS ang nagbibigay,
Katunayan mga kapatid, Bukod sa binasa natin sa aklat ng mga awit ay mababasa rin natin sa aklat ni Propeta Isaias ang ganito...
Isa 45:7 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.
Ang bagay na iyan ang ayaw na paniwalaan ng tao, higit na ng mga matatalino at paham, mga taong dakila sa kapantasan,
Nagsamasama wika kaming nagkakaisang bansa sa daigdig, ang mga bansang ito mga kapatid ay tinatawag na United Nation.
Nabuo wika kami upang gumawa ng Kapayapaan sa daigdig.
Tanong mga kapatid,
Ano ba ang ginagawa ng mga bansa sa ngayon na siyang nagtutulak sa digmaan?
Hindi ba't halos lahat ng bansa sa mundo ay mayroong nuclear weapon? Guided Missile, hindi ba't noong mga nakaraang taon ay sinubok pa ng bansang Korea ang lakas ng kanilang nuclear bomb sa karagatan ng JAPAN?
At ang pinagkagalitan noon ng USA at Iraq ay ang paggawa ng Iraq ng kanilang Weapon of Mass Destruction.
Na ang sandatang ito ay lasong sumasama sa hangin upang pumuksa sa buhay ng tao?
Totoo na ang United Nations ay nakapipigil ng bahagya sa sigaw ng digmaan. Subalit hindi maitatago ng malalaki at malalakas na bansa na sila ay may malalakas na sandata ng kamatayan.
Kayat sinabi ng DIOS sa pamamagitan ni JEREMIAS ang ...
Jer 6:13-14 Sapagka't mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan. 14 Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
Sinabi rin sa aklat ni Propeta Isaias ang ...
Isa 33:7-8 Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam. 8 Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
Ganyan mga kapatid ang nangyayari ngayon sa sanglibutan, hindi ang kapayapaan ang ginagawa ng tao kundi mga pamuksa sa kanilang kapuwa tao at ang pamuksang ito ay tunay na inililihim ng bansang may gawa, pilit na itinatago at ikinakaila. Datapuwat ganito ang sabi ng PANGINOON ...
Eze 13:10 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa :
Eze 13:13-14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin. 14 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa , at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Mga kapatid, ang mga talatang ito ay galing sa Banal na kasulatan ang nagsasabi, hindi ang sinoman sa atin, at ito ay sa dakong gitna ng silangan, doon gagamitin ang Weapon of Mass Destruction na sumasama sa hangin at papatay sa mga tao,
datapuwat kung sa hangin masasama ang lasong ito na mamatay tao, sa palagay kaya ninyo walang posibilidad na makarating dito sa atin ang hanging yaon na may lason?
Mga kapatid ang lahat ng bagay na pumapatay ng tao ay salot na sugo ng DIOS, anong uri ba ng salot na gagamitin ng DIOS sa mga uling araw o panahon?
Zec 14:12-15 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig. 13 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa. 14 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana. 15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
Mga kapatid, ang lahat ng mga sinalita ng PANGINOON ay mangyayari at walang ano mang lakas, talino at kapangyarihan ang maaring pumigil sa sinalita ng DIOS na ito, kaya wala tayong marapat na gawin, kundi lagi tayong manalangin, ingatan ang ating sarili sa ikapagsasala nito at lagi nating dalhin ito sa ikababanal upang mabigyan tayo ng kapayapaan na mula sa PANGINOON.
Sapagkat sa mga huling araw ay hindi lamang ang salot na iyan ang mangyayari, sapagkat ito na ang araw ng PANGINOON, Ang sabi sa ...
2Pe 3:10-18 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. 11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, 12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init? 13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran. 14 Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. 15 At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo; 16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila. 17 Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito , ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan. 18 Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
AMEN