Sunday, June 11, 2006

Pagaaral at Paghahanda

Mga kapatid, ang turo ay paksang ibinigay na sa atin ng DIOS, Ngayon naman mga kapatid ang nais na ipaalam sa atin ng PANGINOON ay ang PAG-AARAL at PAGHAHANDA,


Ano ba ang ibig sabihin ng Pag-Aaral at Paghahanda?
Tulad ba ito ng napag-aralan na nating paksa na "Ang Turo?"


Ang turo ay pagbibigay ng kaalaman, karunungan, kaunawaan ng mga bagay na wala sa isang tinuturuan , Ipinauunawa ang mga bagay na hindi nauunawaan, Ipinaalam ang mga bagay na hindi nalalaman, at yaong mga bagay na hindi niya alam gawin ay ipinakikita sa kanya ang pamamaraan ng pag-gawa o pag-likha ng mga bagay na itinuro.


Ang pagpasok sa pamantasan ay hindi natin masasabing pag-aaral, kundi pagkuha ng kaalaman, kaunawaan at karunungan,
Kaya sa iyong pagtatapos, ay dadaan ka sa mahigpit na pagsusulit, at kung masagot mong lahat ng tumpak ay makukuha mo ang karapatan o satisfaction na nakuha mo ang mga karunungan na sa iyo'y itinuro.


At doon mo pa lamang pag-aaralan na gawin ang mga bagay na iyong natutuhan. Kung abogado, pag-aaralan mong lahat ang angulo ng usaping iyong ipagtatanggol. Kung Doktor ay pag-aaralan mo lahat ang nararamdaman ng iyong pasyente. Kung Engineer, ay pag-aaralan mo ang bagay na iyong itatayo at pagtatayuan.


Kaya ang pag-aaral ay pagkatapos ng pagtuturo. Matapos na maituro sa iyo ang lahat ay saka mo ito pag-aaralan at pag-hahandaan ang lahat ng bagay na iyong gagawin batay sa karunungang iyong natutuhan tulad ng salita ng DIOS.

Ito ay hindi natin magagawa at masasalita kung hindi muna ito ituturo sa atin at ating sampalatayahan.

Tingnan ninyo ang salita ni Haring Solomon, anak ni Haring David, Palibhasa'y hiningi sa DIOS ang karunungan kaya ng mapasakanya na ang karunungan ay sinabi niya:


MGA KAWIKAAN 15:28

Pro 15:28 Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.


Bakit nabubugso ng masamang bagay ang bibig ng masama?


MGA KAWIKAAN 24:2

Pro 24:2 Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.



Kaya mga kapatid, alam na natin ang tama at maling pag-aaral, ang masama at mabuting pananalita, sapagka't ang lahat ng bagay ay may buti at may sama, Sa pamamagitan ng pag-gawa at pag-aaral, sapagka't sa katotohanan ay hindi ang libro ang gumagawa ng karunungan, kundi ang karunungan ng gumagawa ng libro.


ECLESIASTES 12:11-14

Ecc 12:11-14 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor. 12 At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan. 13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.


Ang mga talatang ito ay matagal na nating nalalaman at napag-aaralan mga kapatid, ngunit napaghandaan na ba natin ang mga bagay na ito upang ating magawang may takot ang paglilingkod natin sa DIOS, at kung ito ay atin nang naihanda upang gawin...


Papaano naman natin ito isasagawa?

2TIMOTEO 2:15

2Ti 2:15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.



1TESALONICA 4:11

1Th 4:11 At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;


Ano pa ang nais ipaalam sa atin ng ating PANGINOON upang ganap nating mapag-aralan ang lahat ng mga bagay para tayo ay makagawa ng tumpak na paghahanda?


1TIMOTEO 3:1-7

1Ti 3:1-7 Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa. 2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; 3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; 4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan; 5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?) 6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo. 7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.



Ang mga iyan mga kapatid ay mga tumanggap ng turo ng DIOS, ngunit hindi nila pinag-aaralan ang turo na sa kanila'y itinuro, kung kaya hindi nila naisagawa ang karampatang paghahanda na ipinagagawa sa kanila ng ating PANGINOON.


Ngayon; Ano ba ang Paghahanda at Bakit tayo pinaghahanda ng DIOS?


1MGA HARI 18:44

1Ki 18:44 At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan.


Ang mga talatang ito mga kapatid, ay nagtuturo lamang ng Pag-hahanda at Pag-Iingat, Pag-Iwas sa kapahamakan ngunit ang paghahanda mo ay kapos sa pag-aaral, Ano ang maaari mong masalunga o masalubong?


DANIEL 2:9

Dan 2:9 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.


Ang bunga ng maling paghahanda mga kapatid ay kapahamakang hindi nagagamot ng pagsisisi.


Ganyan mga kapatid ang mga tao sa sanglibutan, na naghahanda sa kanilang at hindi sa kanilang kaligtasan, Sapagkat ang puso at isip ng tao ay hanggang dito lamang sa ibabaw ng sanglibutan at hindi nakatuon doon sa kaitaasan.


Kaya tunay na napakalaki ng pagkakaiba ng paghahanda ng tao ng sanlibutan kaysa ng DIOS. Alam natin ang inihahanda ng taong sanlibutan, mga kapatid, iyan ang baga'y na kanilang iiwanan.


Ngunit ang mga bagay na inihanda ng mga anak ng DIOS ay ang bagay na kanilang pupuntahan.


Tingnan natin mga kapatid sa MATEO 3:1-3

Mat 3:1-3 At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, 2 Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. 3 Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.


Paano Ihahanda ang daan ng PANGINOON?


LUCAS 3:5-6

Luk 3:5-6 Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag; 6 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.



Kung ating maihanda ang daan ng ating PANGINOON, Ano naman ang kaniyang inihahanda para sa atin?


JUAN 14:2-3

Joh 14:2-3 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. 3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.


Ano ba ang bayang ito na inihanda ng DIOS?


APOCALIPSIS 21:2

Rev 21:2 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.



Ito ang inihanda ng DIOS sa mga taong nag-aaral ng Kaniyang Salita at naghanda ng daan ng DIOS.


Pagpalain tayong lahat ng DIOS ngayon at magpakaylanman.


AMEN