Sunday, June 04, 2006

Ang Tunay na Pasko

Ang tao ay hindi nabubuhay dahil sa kaniyang sarili. Hindi siya nabubuhay dahil gusto niyang mabuhay, at hindi nabubuhay ang tao upang magawa niya ang kaniyang gusto at tanggihan niya ang kanyang ayaw.

Sa katunayan ang kaalaman ng tao ay humahanggan lamang sa kahapon at ngayon.

Ang kaniyang karunungan ay nagmula sa kapon at ginagamit niya ngayon.

Ang bukas ay hindi nalalaman ang kalalabasan, kaya nagkakaroon siya ng pag-aaral, pagpaplano, balakin, at paghahanda. At habang ito ay kaniyang ginagawa ay nakatuon ang kaniyang pansin sa dalawang bagay, sa tagumpay at kabiguan. At ang isang matalinong manggagawa ay sinusulat ang lahat niyang ginagawa upang maging batayan ng mali at tama, upang sa muli niyang paggawa ay mayroon na siyang sulat at plano na susundin upang mawala ang kamalian at marating ang tamang kayarian na siyang tagumpay ng gawaing kanyang ginagawa. Sapagkat sa kaniyang ginagawa ay hindi siya gumagawa ng bagay na hindi nakaplano o nakasulat.

Lalong higit mga kapatid sa ating pananampalataya, kinasangkapan ng DIOS ang Kaniyang mga anghel, propeta, mga apostol at evangelista upang isulat ang Kaniyang Evangelio, na Kaniyang Doktrina, na Kaniyang Iglesia, upang sa pamamagitan ng Doktrinang ito ay lumakad ang tao sa tamang landas na dapat niyang lakaran, hindi marapat na ang mga anak ng DIOS ay gumawa ng mga bagay na hindi nasusulat o ng anomang bagay na hindi sinasabi ng banal na kasulatan o isinasadiwa nito.


Ano ba ang ibig sabihin ng Pasko ayon sa banal na kasulatan?
At ito ba ay nararapat na ipagdiwang ng mga lingkod ng DIOS?


2CRONICA 35:1

2Ch 35:1 At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua, sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.


at 2CRONICA 35:18-19

2Ch 35:18-19 At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni Samuel na propeta; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias, at ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng buong Juda at Israel na nangakaharap, at ng mga taga Jerusalem. 19 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito.


Iyan mga kapatid ang ibig sabihin ng Pasko, Paskua;Passover sa English at hindi christmas; wala tayong mababasang christmas sa Biblia, wala tayong mababasang santa claus, wala tayong mababasang christmas tree sa Biblia. Sa katotohanan ang ating PANGINOONG Jesus-Cristo ay nagdiwang rin ng Paskua o Pasko.


Ang sabi sa MATEO 26:17-19

Mat 26:17-19 Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? 18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. 19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.


Ano ba ang Kautusan ukol sa Paskua ng DIOS O Pasko ng DIOS o Pagliligtas ng DIOS?


EXODO 12:18

Exo 12:18 Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura, hanggang sa ikadalawang pu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw.


at EXODO 12:16

Exo 12:16 At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo.


Ang ilang palatuntunan ng Paskuang ito ay binago ng ating PANGINOONG Jesu-Cristo;


kaya sinabi Niya sa HEBREO 10:9-10

Heb 10:9-10 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. 10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.


Kaya ang paghahanda ng Paskua ng PANGINOON noong kapanahunan ng mga Israelita ay pinahanda ng PANGINOON kay propeta Moises upang tuparin ng Israel.


Ang paghahanda naman ng Paskua ng mga Cristiano ay mismong DIOS ang naghanda sa pamamagitan ng Pag-Ibig ng DIOS sa sanglibutan ay sinugo Niya ang Kaniyang Salita sa lupa upang magligtas at ito ay naganap ng Siya ay ipanganak na sinabi sa...


LUCAS 2:11-14

Luk 2:11-14 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. 12 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban. 13 At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi: 14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.


Ito mga kapatid ang Paskua ng DIOS; Ang Cristo ng DIOS na ito ang Kaniyang Cordero ng Paskua na dumating na may kapangyarihan sapagkat ipinagdiwang ng anghel at mga hukbo ng langit ngunit nagpakita agad ng kapakumbabaang loob sapagkat ang sabsaban ng mga hayop na nilagyan lamang ng dayami ang Kaniyang naging higaan datapuwa't Tagapagligtas ng mga taong Kaniyang kinalulugdan at ito ang ating Pasko mga kapatid, Ang kaligtasan at Buhay na walang hanggan ang Kaniyang ibinibigay.


Kaya ang sabi ng isang tinig na sumisigaw sa ilang .. LUCAS 3:4-6


Luk 3:4-6 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. 5 Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag; 6 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.


Mga kapatid, ang Pasko ay kapayapaan, kaligtasan sa kamatayan. Ang Paskua ay Pag-Ibig ng DIOS sa Kaniyang mga lingkod at buhay na walang hanggan, ito ay inihahandog ng DIOS sa Kaniyang mga lingkod, at para ito ay mapasa ating lahat, Kailangan nating ihanda ang daan ng PANGINOON patungo sa atin. Tuwirin natin ang Kaniyang mga landas.

Ano ba ang ibig sabihin niya mga kapatid?

Ang ating puso ay may landas para sa paglapit sa atin ng PANGINOON, kung ang landas ng ating puso para sa PANGINOON ay paliko-liko ay hindi Niya tayo lalapitan, ano ba ang ibig na sabihin ng paliko-liko mga kapatid?

Tayo ay may takdang oras, araw at panahon ng pakikipagtipan sa DIOS; kung ito ay hindi natin gagawin ng tuloy tuloy,

Makikipagtipan ngayon, sa susunod ay hindi, Sa ngayon mga kapatid ay lingguhan lamang tayo nakikipag tipan sa DIOS; ibig sabihin mga kapatid sa loob ng 365 days sa loob ng 1 taon, at 52 days lang ang para sa DIOS, ibig sabihin mga kapatid ay 313 days ang para sa atin.

Ang nangyayari mga kapatid ay binabawasan pa natin iyong 52 days para sa Kaniya.

Sa palagay ba ninyo ang gayong gawa ay magiging karapatdapat sa DIOS mga kapatid?


Lahat ng Libis ay tambakan
Pababain ang bawat bundok at mga burol
Ang liko ay matutuwid
Ang daang bako-bako ay mangapapatag
At makikita ng lahat ng laman ang Pagliligtas ng DIOS.



JUAN 13:34-35

Joh 13:34-35 Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. 35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.


at JUAN 14:21

Joh 14:21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.


Papaano Ba ang sinasabi sa EXODO 12:16?

Exo 12:16 At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo.

Na sa unang araw ay magkakaroon kayo ng Banal na pagkakatipon at sa ika-7 araw ay magkakaroon rin kayo ng Banal na pagkakatipon?


EXODO 23:14-17

Exo 23:14-17 Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin, sa bawa't taon. 15 Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); at walang lalapit sa harap ko na walang dala: 16 At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid. 17 Makaitlo sa bawa't taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios.


Ano-ano ang 3 Pistang ito mga kapatid?

  1. Ang Pista ng Pag-Aani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan na iyong inihasik sa bukid.
  2. Ang Pista ng pag-aani sa katapusan ng taon, ng pag-aani mo ng iyong kapagalan sa bukid.
  3. Kabuuan ng kapistahan sa buwan ng Abib na ito ang Pista ng tinapay na walang Lebadura, na ito ang Paskua ng PANGINOON na ating DIOS, na sa mga Israelita ang sa kanila ay pagpatay at pagkain ng Kordero kasabay ng pagkain ng tinapay na walang lebadura.

At sa mga Cristiano ay pagkain ng tinapay na walang lebadura at pag inum ng dugo ng kordero: na ito ay naging hiwaga sa mga Judio.

Papaano ba ito sinalita ng PANGINOON sa talinghaga sa mga Judio at natago sa hiwaga?


LUCAS 20:9-19

Luk 20:9-19 At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon. 10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala. 11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala. 12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas. 13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila. 14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin. 15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan? 16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari. 17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali . Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok? 18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok. 19 At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.


Ang Tatlong Kapistahan na Nabubuo sa isang katawagan

  1. Piesta ng Pag-aani ng unang bunga
  2. Piesta ng Pag-aani sa katapusan ng taon.
  3. Ang Pagtanggap ng Katawan at Dugo ng PANGINOON

Ano ba ang mga pangunahing gawa na ipagagawa sa atin ng ating PANGINOON na ipinasisiyasat sa atin o ipinaiimbentaryo ng PANGINOON?

ROMA 12:4-21

Rom 12:4-21 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: 5 Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. 6 At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya; 7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo; 8 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya. 9 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti. 10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; 11 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; 12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin; 13 Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy. 14 Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. 15 Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak. 16 Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. 17 Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. 18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. 19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios : sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. 20 Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo. 21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.


Dito tayo tinitignan ng PANGINOON mga kapatid, Sa ating bunga at mga gawa, at sa Kaniyang ikalawang pagparito ay dito Niya tayo hahatulan.

Ano ba ang gagawin ng PANGINOON sa mga daratnan Niya dito sa Lupa?


MATEO 25:31-34

Mat 25:31-34 Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: 32 At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; 33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. 34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:


Kaya mga kapatid kung tayo man ay dumadanas na tila ba tayo ay pinaparusahan ay huwag nating ipagtaka sapagka't ang sabi ng PANGINOON sa ...


HEBREO 12:4-11

Heb 12:4-11 Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan: 5 At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya; 6 Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak. 7 Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama? 8 Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak. 9 Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? 10 Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin , upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan. 11 Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito.


Ano ang sinasabi ng PANGINOON sa pamamagitan ni Apostol Pablo sa Aklat ng ...

MGA GAWA 17:30-31

Act 17:30-31 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako: 31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.


Ano ba ang mangyayari pagdating dito ng ating PANGINOON?


2PEDRO 3:9-15

2Pe 3:9-15 Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. 10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. 11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, 12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init? 13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran. 14 Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. 15 At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;


AMEN

Technorati : , , , , , ,