Tuesday, February 14, 2006

Pasko

Pagkatapos na ang tao ay maipanganak na muli ng Salita ng DIOS, Ano ang dapat niyang matanggap o makain para siya ay mabuhay magpakailanman at siya ay maging kasambahay ng DIOS?

Ano ang sinabi ng ating PANGINOONG CRISTO JESUS tungkol sa mga bagay na ito?



Joh 6:51 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.


Joh 6:53-54 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.


Ano ang ibig sabihin ng pagkain ng laman, at pag-inum ng dugo ng ating PANGINOONG JESUCRISTO?

Ano ang sinasaad ng banal na kasulatan?

MATEO 26:17-19


Mat 26:17-19 Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? 18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. 19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.


PASSOVER : Feast of Unleavened Bread
PASKUA : Pista ng Tinapay na Walang Lebadura
SANTA SENNA : Banal na Hapunan

Ito ay ginanap ng ating PANGINOONG JESUCRISTO sa takdang araw at panahon, upang gawin rin naman ng Kaniyang mga alagad at ng mga mananampalataya.

Kaya sinabi sa 1CORINTO 5:8


1Co 5:8 Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.


NGAYON;

Bakit ba nagkaroon ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura at Kordero ng Paskua?

Kailan ba ito nagsimula, at bakit ba ito ipinatupad ng DIOS sa Bayang Israel na tumagos hanggang sa mga araw na ito ng mga Cristiano?

EXODO 12:1-6


Exo 12:1-6 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 2 Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo. 3 Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan: 4 At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero. 5 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing: 6 At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.


Ang Kordero lamang ba ang ipinakain ng DIOS sa Bayang Israel bilang Paskua ng PANGINOON?

EXODO 12:15-18


Exo 12:15-18 Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon. 16 At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo. 17 At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura; sapagka't sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto: kaya't inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi, na bilang tuntunin magpakailan man. 18 Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura, hanggang sa ikadalawang pu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw.


Ano ang dahilan at ipinaganap ito ng DIOS sa Bayang Israel?

EXODO 23:16


Exo 23:16 At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.


Ang takdang panahong ito ng Paskua ng PANGINOON ay niliwanag rin sa aklat ng...

LEVITICO 23:5


Lev 23:5 Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua sa Panginoon.


Mayroon bang itinakdang lugar ang PANGINOON sa pagganap ng Paskua?

MGA BILANG 9:5


Num 9:5 At kanilang ipinagdiwang ang paskua nang unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, sa ilang ng Sinai: ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.


Hindi nagtakda ang PANGINOON ng lugar kundi ng oras at araw. Kaya muling sinabi ito
sa...

MGA BILANG 28:16


Num 28:16 At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon.


Sino sa mga hari ng Israel ang gumanap ng pinakamalaking pagdiriwang ng Paskua ng PANGINOON?

2CRONICA 35:1


2Ch 35:1 At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua, sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.


2Ch 35:18-19 At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni Samuel na propeta; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias, at ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng buong Juda at Israel na nangakaharap, at ng mga taga Jerusalem. 19 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito.


Noong ang Israel ay madalang bihag sa Babelonia, ipinagdiwang rin ba nila ang Paskua?

EZRA 6:19


Ezr 6:19 At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan.

Ginanap ng Israel ang Paskua ng PANGINOON mula sa paglaya nila sa Egipto, hanggang sa pagkasakop sa kanila ng Roma, na ang Paskua ring ito ang ginanap ng ating PANGINOONG JESUCRISTO hanggang sa gabing ipinagkanulo Siya ni Judas Escariote at dito rin binago ng PANGINOON ang palatuntunan ng Paskua o Pista ng Tinapay na Walang Lebadura;


1Co 5:6-8 Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak? 7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo: 8 Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.


Ang mga Cristiano ba sa pagdiriwang ng pista ay inatasan pa ng DIOS na magpatay ng Kordero bawat sangbahayan?

HEBREO 10:9-10


Heb 10:9-10 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. 10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.

Samakatuwid ito ang pagbabagong ginawa ng ating PANGINOONG CRISTO JESUS:

UNA: Pagtutuli ay ginawang Pagbabautismo
PANGALAWA: Paghahandog ng Kordero ay naging pagtanggap ng
laman at dugo ng ating PANGINOONG JESUCRISTO.

JUAN 6:51-58


Joh 6:51-58 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan. 52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman? 53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. 55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya. 57 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.


NGAYON;

Ano ba ang laman at dugong ito ng ating PANGINOON na kung ating kainin at inumin ay saka pa lamang tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan?

Papaano ito ginanap ng mga nauna sa ating mga Cristiano?

JUAN 13:1-7


Joh 13:1-7 Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan. 2 At habang humahapon, nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya. 3 Si Jesus , sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon, 4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili. 5 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis. 6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa? 7 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.


Sa panahon ng mga Israelita, sangpung araw nilang inaalagaan at inihahanda ang kanilang kordero ng Paskua; at pagdating ng takdang araw at oras, na iyan nga ay ang ika 14 na araw ng unang buwan, ay pinapatay nila ang kordero at inihahandog sa PANGINOON, at kanilang kakaning kasabay ng Tinapay na Walang Lebadura, na ito ang tanda ng kanilang paglaya sa pagkaalipin sa bayang ehipto.

Tayo mga kapatid 21 araw bago dumating ang takdang araw at oras ay inihahanda natin ang ating puso sa kapakumbabaan at pag-iibigan sa isa't-isa:

UNA: Sa ikaw 25 na araw ng huling buwan ng taon ay nag-aalalahan tayo sa isa't-isa, sa pamamagitan ng pagpapalitan natin ng alaala sa isa't-isa tanda ng pagpapatawaran at ng pag-iibigan natin sa isa't-isa, na iyan ang simula ng ating Paskua, Pasko, o Piesta ng Tinapay na Walang Lebadura.

Sa huling araw ng taon ay muling magkakaroon tayo ng banal na pagkakatipon upang ipagpasalamat natin ang bagong taon na ipinagkaloob sa atin.

Sa ika 7 araw ng unang buwan ng taon, wala nang masusumpungang tinapay na may lebadura sa ating tahanan kasabay ng pagaalis natin ng anomang pagkukunwari at ng anomang kasinungalingan sa ating puso at isipan at katawan, hanggang sa tanggapin natin ang laman at dugo ng ating PANGINOONG CRISTO JESUS.

NGAYON;

Kung tayo ay nakahanda ng tumanggap ng laman at dugo ng ating PANGINOONG JESUCRISTO:

Papaano natin isasakatuparan ang mga bagay na ito?

MATEO 26:26-29

Mat 26:26-29 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. 27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; 28 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. 29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.


Matapos nating magampanan ito, na siyang naghatid sa mga Cristiano sa Bagong Tipan:
Ano ang utos na ibinigay Niya sa lahat ng gumaganap at sumasampalataya sa Kaniya?

JUAN 13:34-35

Joh 13:34-35 Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. 35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.


At ang tagubilin ng ating PANGINOON sa Kaniyang mga tagapag-lingkod

JUAN 14:21

Joh 14:21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.


AMEN