Ang lahat ng tao ay mayroong DIOS na sinasamba datapuwat hindi lahat ng tao ay nakakakilala sa Tunay na DIOS.
Ang nagpapatunay ng bagay na ito ay ang pagkakaibaiba ng pananampalataya ng mga tao sa DIOS: Kung ano ang DIOS, kung sino ang DIOS at kung ilan ang DIOS.
May naniniwala na ang DIOS ay hindi sumasalahat ng dako: at ang bagay wikang hindi pa iniisip ng tao ay hindi nalalaman ng DIOS, Ang DIOS ay may anak ring DIOS kaya dalawa ang DIOS nila isang DIOS AMA at isang DIOS ANAK.
Mayroon namang naniniwala na ang DIOS ay may tatlong persona: DIOS AMA, DIOS ANAK, at DIOS ESPIRITU SANTO.
Isa 44:6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.
At ISAIAS 44:8
Isa 44:8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
At ISAIAS 45:5
Isa 45:5 Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala.
At ISAIAS 45:18
Isa 45:18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
Isa 45:21-22 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin. 22 Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
Psa 107:20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
Psa 147:15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
Ang paghahandang ito ay nasusulat sa HEBREO 10:5
Heb 10:5 Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;
Heb 10:10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.
Nang maganap ang hulang ito; dahil sa tinawag Niyang Anak ang Kaniyang Salita, nagkaroon ba ng pagbabago ang DIOS na siya ring PANGINOON?
Naging Dalawa ba ang DIOS? At naging dalawa rin ba ang PANGINOON?
MARCOS 12:29
Mar 12:29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
Ano naman ang sinasabi sa 1CORINTO 8:4
1Co 8:4 Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa.
At 1CORINTO 8:6
1Co 8:6 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang , ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.
At JUAN 17:3
Joh 17:3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
Jer 23:23-24 Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo? 24 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.
NGAYON;
Kaya nga sinabi sa aklat ng EFESO 4:6
Eph 4:6 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
AMEN